Thursday, October 22, 2009

Oktubre 22, 2009

Para sa kinauukulan:

Ako si____________________________________, magulang/tumatayong tagapangalaga ni __________________________________________(pangalan ng participant), ay nagbibigay pahintulot na siya ay lumahok sa 4th young Women’s Camp on Gender Issues, Sexuality and Prostitution sa Gardens of Malasag Eco-Tourism Village, Sitio Malasag, Cugman, Cagayan de Oro, na inorganisa ng Coalition Against Trafficking in Women-Asia Pacific (CATW-AP).
Kami ay kusang loob na nagpapahayag na ang aming anak/alaga ay susunod sa mga paakaran at alituntunin na itinakda ng nasabing Camp upang maiwasan ang anumang kapahamakan sa mga kalahok at kanilang pag-aari. Lubos kong nauunawaan na ang CATW-AP o organizers ng proyektong ito ay walang pananagutan sa ano mang paglabag sa mga patakarang nabanggit o pangyayari/aksidente sa nasabing Camp.
Maraming Salamat po.

Sumasang-ayon,

__________________________­­­­_______
(Pangalan ng Magulang/Tagapangalaga)

guidelines

1. Saan at kailan gaganapin ang 4th YOUNG WOMEN’S CAMP?

Ang 4th Young Women’s Camp on Gender Issues, Sexuality and Prostitution ay gaganapin sa 27-29, 2009 sa Garden of Malasag Eco-Tourism Village, Sitio Malasag, Cugman, Cagayan de Oro City.

2. Paano ang pagpunta doon?

Lahat ng napiling dadalo sa camp ay tatawagan isa-isa para sa detalye ng pagpunta sa venue (Cagayan de Oro). Nirerekomenda namin na magsabay-sabay na lang ang manggagaling sa iisang probinsiya.

NOTE:
· Ang lahat ay inaasahang makararating sa camp site sa pamamagitan ng pinakamurang moda ng transportasyon. J
· Tiyakin lamang na nasa camp site na kayo sa October 26 ng hapon.
· Sa mga kailangan ng pamasahe PAPUNTA sa Cagayan de Oro, paki-text sa akin o kay Gerald ang account number kung saan namin pwedeng ipadala ang perang pamasahe at ang halaga.

3. Ano ang mga dapat dalhin?

Ang pinakaimportante ay dalhin ang inyong mga sarili, hindi lang ang pisikal na katawan kundi kasama ang isip at diwa, para maging mas mabunga ang ating Camp.

Pangalawa, yung mga personal ninyong gamit tulad ng tuwalya, sabon, shampoo, toothbrush, toothpaste, panghilod, damit at iba pa. Halos limang (5) araw rin tayo doon kaya tantiyahin niyo na lang ang dadalhin niyo. Dahil resort ang ating venue, maganda rin na magdala ng pang-swimming ninyo.

Siyempre, pag may mga dapat dalhin, meron ding mga hindi dapat dalhin at ito ang mga bagay na nakakapanakit sa sarili at kapwa.


4. Ano ang mga dapat tandaan kapag nasa mismong CAMP na tayo?

Dumating sa oras ng sesyon. Laging tingnan ang inyong iskedyul at iwasang mahuli sa inyong workshop. Sayang ang almusal, kaya dumating sa kainan nang 7-8 am. Ang mga sesyon ay magsisimula nang 9 am.

Pahalagahan ang katahimikan. Iwasang mag-ingay at makaistorbo ng kapwa. Pero huwag mag-alala, marami tayong oras ng kwentuhan at kasiyahan.

Pahalagahan ang kalinisan ng kapaligiran. Iwasang magkalat. Pulutin ang kalat kahit hindi tayo ang gumawa nito.

Ingatan ang inyong personal na gamit. Laging dalhin ang pera, cellphone, iba pang mahahalagnag bagay. Di mapapanagutan ng organizers ang inyong gamit.

Ingatan ang inyong mga sarili. May oras ng pamamasyal. Laging ipaalam sa facilitator kung may kailangan. Huwag lumabas ng resort nang hindi nalalaman ng organizers. At kung maliligo sa swimming pool, siguraduhing may kasama.

Huwag mag-panic kung may emergency. Sundan ang mga emergency exit. Mayroon ding first aid kit, hanapin lamang ang sinuman sa facilitators.

Paano ang reimbursement ng inyong pamasahe? Kunin ang pamasahe kay Gerald Imperial. May liquidation forms sa inyong kit. Isulat dito ang gastos sa pamasahe at pagkain para maibigay sa inyo ng ating staff.

Paalala! Hindi masamang magtipid sa pamasahe at pagkain, kaya hinihikayat ng organizers na ang pinakamurang pamamaraan ng transportasyon ang sakyan. Hindi pwedeng magrenta ng van o ano mang uri ng sasakyan kaya’t gamitin ang pangkaraniwang moda ng trasportasyon lamang.

Ang mga participants na manggagaling sa malalayong lugar (Maguindanao, Sultan Kudarat, Cotabato, Zamboanga, Lanao del norte, General Santos atbp.) ay bibigyan namin ng food allowance na P70 per meal. Laging tandaan na kunin at itago ang resibo dahil kakailanganin niyo ito sa reimbursement. Lahat ng gagastusin para sa camp ay sasagutin ng CATW maliban sa mga personal ninyong mga pangangailangan.

5. Ano ang mga hindi dapat gawin sa CAMP?

Dahil nagpunta tayo sa CAMP upang matuto at magkaroon ng mga bagong kaibigan, nararapat lamang na ibigay natin dito ang ating buong atensyon at huwag gumawa ng mga bagay na alam nating makakasakit at makakasira ng ating mga sarili, ng ating kapwa at ng kapaligirang ating ginagamit.

Libre lang ang ngiti. Lagi nating isuot ito.